ANAK
NG BIRHEN
Jesus S. Esguerra
KUNG HINDI PA nagkasakit nanag malubha si
Luis Ver. Llama, kilalang isportsman sa Maynila at litaw na bohemyo sa larangan
ng lipunan, at isang malikot na paruparo, ay hindi pa sana naalaala ang asawa
at naisipang umuwi sa kanilang nayon ng Masantol.
Tatlong
buwan ding naratay si Luis Ver. Llama at tatlong buwang inalagaan ni Dr. Felix
Ma. Durbin. Isang sakit na maselan and dumapo kay Luis, kaya lumala, at ipinanganib
ng mangagamot na mawalan ng liwanag ang mga mata at tuluyan nang maging lumpo.
Ibig
nang humina ang loob ni Luis. Ibig na ring mawalan ng pag-asa ang malikot na
paruparong sumawi at nagpaluha sa maraming bulaklak na sinuyo, minahal upang
dayain lamang pagkatapos na pagsawaan at pagsamantalahan.
Ngunit
kung may mabisa mang gamut na nagbibigay nga kaunti pang lakas at pag-asa sa
pagkatao ng kilalang bohemyo ay walang iba, kundi ang matamis na pag-alo ng
mabait na si Lita Santos ni Llama.
Si
Lita, buhat nang magkasakit si Luis, ay hindi na humihiwalay sa piling ng
asawa. Sa kabila ng mahabang pananhong pagpapabayang ginawa sa kaniya ni Luis,
sa likod ng maraming hirap na tiniis at katakot-takot na luhang nilagok dahil
sa pagtataksil ng lalaki ay hindi niya natutuhang gumanti ng pait sa asawang
tila unti-unti nang nadidilat ang mga mata sa mapapait na katotohanan.
Iilang
lingo lamang nagsasama si Lita at si Luis ay nagsimula nang lumagok ng mapapait
na luha ang babae. Malimit na di umuwi ng bahay si Luis, at kung umuwi man ng
tahanan ay hatinggabi na, at lasing na lasing pa.
“Pabayaan
mo nga ako sa ginagawa ko!” ang madalas na sabihin ni Luis kay Lita, kung
nababati ito ng asawa. “Nalalaman ko ang aking ginagawa!”
Kaya
nang hindi na makatiis si Lita ay naisipan nitong umuwi na sa kanilang nayon ng
Masantol, at ipinaubaya na lamang ang kaniyang sarili sa anumang kapalarang
darating sa kanyang buhay! Ngunit nang mabalitaang nagkasakit si Luis at nang
malamang ipinasok sa pagamutan ang asawa, hindi rin nakatiis si Lita; lumuwas
ng Maynila upang alagaan ang minamahal niya sa buhay.
At
nang galling na sa sakit ni Luis, isinumpa na kay Lita, na siya ay
magpapakabait na at magbabagong buhay na rin.
“Oo,
handa na akong bumalik sa ating nayon,” ang sabi ni Luis, minsang siya ay
amukiin ni Lita na umuwi na sa kanila. “At isinusumpa kong ako ay
magbabagong-landas na.”
At
isang araw nga, nang malakas-lakas na at makalakad-lakad na si Luis, inilabas
na siya ng pagamutan ng kaniyang asawa at nagbalik na sila sa nayon ng
Masantol.
Iisang
taon lamang ang nakakaraan ay lalong lumago ang kabuhayan ng mag-asawa at
nag-ibayo ang kaligayahan ng kanilang buhay. Ngunit kung mayroon pang
ikinababalisa ang mag-asawa ay walang iba, kundi ang hindi pagbubunga ng
kanilang pag-iibigan.
“Kung
sa bagay,” sabi ni Lita, “mabuti nang huwag tayong magkaanak, sapagkat kung ang
magiging anak natin ay babae, baka siya pang magbayad ng mga utang mo.”
Napatawa
lamang si Luis. Pinisil ang baba ng asawa at saka nilagdaan ng halik sa pingi.
“Ano
bang utang ang sinasabi mo?” ang tanong na sagot ni Luis sa asawa. “Wala naman
akong utang na dapat bayaran!”
“Suss!
Tumigil ka na nga!”
“Limutin
na natin ang lahat!” ang sabi ni Luis. “Huwag nating sariwain pa ang mga
nakalipas.”
At
buhat na nga noon, ganap na nilang pinag-aralang limutin ang malulungkot na
kahapon ng kanilang nagdaan.
Anim
na buwan pa ang maligayang nagpaalam sa buhay nina Lita at Luis.
Hindi
pa rin nagsusupling ang halaman ng kanilang pag-iibigan, kaya ganon na lamang
ang pagkainggit nila sa unang bunga ng pagmamahalan ng kanilang mga pinsang
sina Berta at Damaso. Si Berta ay pinsang-makalawa ni Lita at si Damaso ay isa
naming kanayon nila sa Masantol. Si Berta ay lubos ng ulila sa mga magulang.
“Tingnan
mo nga sina Berta at Damaso,” and pakli ni Lita, isang tanghali na sila ni Luis
ay nagpahinga sa pugad ng kanilang pag-ibig sa kanilang nayon. “Iisang taon
lamang ang pagsasama ay nagsupling na agad ang kanilang pag-iibigan.”
“Nakakainggit
nga!” ang sagot naman ni Luis. “Oo, nakakainggit nga!”
Isang
gabi, matutulog na lamang ang mag-asawa nang gelatin sila ng sunod-sunod na
tawag.
“Lita!
Lita!”
Dinungaw
ni Lita ang tumawag.
“Aba,
Aling Husta,” ang patakang sagot ni Lita, “ano po ang ibig ninyo?”
“Madali
ka! Si Berta ay…”
“Napapano
si Berta?” ang katlo ni Luis.
Ngunit
hindi na narugtungan pa ang gayong tanungan, at ang mag-asawa ay medaling
lumipat sa tanahan nina Berta at Damaso na malapit lamang sa kanila.
Hindi
na makausap si Berta. Pinapawisan ng malamig at hindi na halos makakilala.
“Dumaing
lamang ng sakit ng tiyan,” ang sabi ni Damaso, “kaya ang ginawa ko ay nag-init
ako ng tubig, ngunit nang pumasok ako ay masama na ang kanyang lagay.”
“Ano
ba ang kaniyang ginawa?” ang usisa ni Lita.
“Naglaba
kaninang umaga at pagkatapos ay kinuha ang nilabhan, at kaninang hapon ay
dinilig pa ang mga damit,” ang marahang paliwanag ni Damaso.
“Marahil
ay naalimuuman,” ang agaw naman ni Luis.
Nang
dumating ang manggagamot na ipinatawag pa sa nayon ng kamatsili, na kanugnog
lamang ng Masantol, si Berta ay nag-aagaw buhay na.
Ang
manggagamot, pagkatapos mapulsuhan ang babae, ay tumindig sa pagkakaaupo at
saka malungkot na napailing.
“Patay
na po! Huli na tayo!” ang malungkot na sabi ng manggagamot.
Napaiyak
si Damaso!
Humagulgol
naman si Lita!
Nalungkot
si Luis.
Parang
walang anumang nakaraan ang dalawang lingo buhat nang maihatid sa libingan ang
bangkay ni Berta.
Isang
umaga, nagsadya si Damaso kina Lita at Luis na dala ang anak.
“Mangingibang
bayan ako,” ang simula ni Damaso. “Kaipala ay sa malayong lupain ako tutungo.
Aywan ko kung saan, at natitiyak kong hindi na marahil ako makababalik. Kaya,
ipinagkakaloob ko na sa inyo ang anak ko at ariin na ninyong tunay na anak
iyan, at kayo na rin ang magpabinyag!”
Tinitigan
ng mag-asawa ang sanggol na dala ni Damaso. Tila isang anghel na nakangiti sa
kanilang hulog ng langit ang nasa harap nila. Ang mag-asawa ay nagtinginan na
lamang, ngunit maya-maya ay nagsalita si Luis.
“Bakit
ka nakakaisip ng ganyan?”
“Ngayong
wala na si Berta,” ang sabi ni Damaso, “ay wala na ring halaga sa akin ang
buhay!”
Nang
makaalis si Damaso, pinabinyagan agad ng mag-asawa ang kanilang pamangkin,
ANGELICO
VER. LLAMA! Iyan ang iningalan sa bata!
Sunod
sa apelyido ni Luis ang bininyagan!
At
buhat na nga noon, inari nang tunay nilang anak si Angelico.
Nagdaan
pa ang maraming taon.
Si
Angelico ay tumutuntong na noon na sa kaniyang ikalabing siyam na taon.
Magandang
lalaki! Makisig pa!
Si
Angelico ay tapos na sa hay-iskul. Papasok na siya sa U.P. upang mag-aral ng
panggagamot.
Nang
ipagpista ang mahal na patron ng Masantol, si Angelico ay sinundo ni Luis.
Isang malaking pagdiriwang ang idaraos at isasagawa sa kanilang tahanan.
“Halika,
anak ko,” wika ni Luis kay Angelico, “marami akong panauhin ngayong araw na ito
na dadalo rito sa atin. Isa sa kanila ay ang dalagang napipisil ko upang maging
kabiyak ng iyong dibdib, pagkatapos ng iyong pag-aaral.”
Hindi
nakaimik ang binata.
Nalalaman
ni Angelico ang ugali ng kaniyang ama. Hindi mabali ang sabihin at maibigan.
Buhat ng tumanda si Luis ay nabago na ang ugali. Nagging bugnot at magagalitin.
Ayaw niyang makakasama sa lakaran ni Angelico ang mga binatang malilikot at
masasama. Ibig niyang huwag maakay sa liko-likong landas ang kaniyang anak.
“Si
Myrna, ang kaisa-isang anak ni Don Mamerto ALtamar,” ang sabi ni Luis, “ang
napili naming ng iyong ina upang maging asawa mo.”
“Ngunit
ako po ay may katipan na,” ang mahinahon at magalang na sagot ng binata.
“Ha!
May katipan ka na?” ang mabalasik na tanong ni Luis. “Nalalaman mo ba ang
isinagot mo?”
“Opo,
may katipan na ako.”
Halos
manlaki ang mga mata ni Luis sa matinding galit sa anak. Kung hindi niya
mapipilit na pakasal si Angelico kay Mryna, mapapasubo siya sa malaking
kahihiyan kay Don Mamerto Altamar, na isa niyang matalik na kaibigan.
“Bibigyan
kita ng ilan pang panahon upang isipin mo ang bagay na ito,” ang marahas na
patapos ng matanda kay Angelico. “Ngunit dapat mong malaman, na, mamumulubi
kang lubos at hindi ka makakatapos ng iyong pag-aaral kung sasalungatin mo ang
gusto ko!”
Kilala
ni Angelico si Myrna. Maganda nga si Myrna, ngunit ang makabago niyang kilos at
ang pikitmatang pagsunod sa singaw nga bagong panahon ang nagiging dahilan kung
bakit mailap sa kanya ang puso ng binata. Si Myrna ang nag-aaral din sa
Maynila. Palibhasa’y anak-mayaman, kaya nasusunod ang lahat ng layaw sa buhay.
Malimit siyang Makita ni Angelico na nag-iisang naglalakad na kasama ng
iba’t-ibang binata. Pumapasok na nag-iisa sa mga sine at dumadalo sa mga
sayawan na nag-iisa rin.
Kinabukasan,
si Angelico ay nagbalik na sa Maynila upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Pagdating sa Maynila, nagtuloy agad siya sa tahanan ng kaniyang irog.
“Kumusta
ang pista sa inyong nayon?” ang tanong at pakibalita ni Corazon.
Hindi
agad nakasagot si Angelico.
“Bakit?”
ang tanong na muli ng dalaga.
“Corazon!”
ang malungkot na wika ng binata, “nakatatanaw ako ng ulap na ibig magpadilim sa
ating langit!”
“Alam
ko nay an,” ang maagap na agaw ng dalaga. “Sa simula pa, nababatid ko nang
magiging salungat ang tatay mo na makipag-ibigan ka sa isang babaeng mahirap na
tulad ko.”
Si
Corazon ay napaiyak, kaya nilapitan siya ng binata upang aliwin.
“Hindi
Corazon! Kung ayaw man sila sa iyo, ang puso ko ay hindi nila maaring
masaklawan, sapagkat ako ang makapangyarihan sa pusong ito. Iibigan kita na
gaya rin nang dati at magiging ibayo pa marahil, sapagkat sa ganyan lamang
maaring ipakilala ko sa iyo ang kadakilaan ng aking pag-ibig. Walang kailangang
ako ay mahinto sa pag-aaral at magdildil ng kanin at asin, kung sa piling mo ay
mananatiling maliwanang ang langit ng aking buhay!”
“Angelico!”
ang agaw ng lumuluhang dalaga. “Mahal kita, ngunit hindi ko yata maatim na
maghirap ka nang dahil lamang sa akin. Sundin mo ang kanilang ibig. Bayaan mo
na ako. Babalik na ako sa aming bayan upang pumiling sa aking irog na ina. Kung
sa bagay nalalaman mo ang dahilan ng paghahanapbuhay ko rito sa Maynila. Nais
kong makatipon ng maraming salapi upang may maipagamot sa mga mata ng ina kong
nawalan na ng liwanag. Ngunit kung ako lamang ang magiging sagabal sa iyong
landas, pag-aaralan kong lumayo, maging dahilan man iyan ng aking kamatayan.”
“Corazon!
Hindi maari iyan. Sisikapin kong maiakyat ang lupa sa langit upang ipakilala ko
lamang ang kadalisayan ng pagmamahal ko sa iyo.”
At
tumupad sa sinabi si Corazon. Nabalitaan na lamang ng binata na ang kaniyang
minamahal ay umuwi sa kanilang bayan.
Si
Angelico naman ay walang ginawa kundi ang magsikap upang makatapos agad ng
kaniyang pag-aaral.
Akala
ni Luis ay limot na limot na ng kaniyang anak ang dalagang nagiging dahilan ng
pagtatangi ng binata upang makipag-isang dibdib kay Myrna, kaya lihim na
inihanda ang araw ng pag-iisang dibdib ng mga batang ipinakipagtipanan.
***
Limang
taon ang nakaraan.
Si
Angelico ay maluwalhati ring nakatapos sa kaniyang pag-aaral, at ngayo’y isa na
siyang manggagamot.
Isang
sayawan ang isinagawa sa tahanan ng mga Llama sa Masantol, bilang parangal sa
patatapos sa pagkamanggagamot ni Angelico. At nang gabing yaon, ipinahayag ni
Luis ang pakikipag-isang dibdib ng kaniyang anak kay Myrna, na anak naman ni
Don Mamerto Altamar. Gayon na lamang ang galak ng lahat, ngunit si Angelico ay
nananatiling walang kibo.
Nang
matapos ang sayawan, si Angelico ay tinawag ni Luis.
“Ang
kasal niyo ni Myrna ay nakahanda na upang isagawa sa isang lingo,” isang araw
ay nasabi ni Luis.
“Tatay,”
ang hadlang ng binata, “ayaw ko kayong sinsayin sa inyong pithaya, ngunit kung
hinahangad ninyo ang aking kaligayahan, hindi ninyo pipilitin akong mapakasal
sa isang babaeng nagging manika nang basahan sa kamay ng maraming lalaki.
Lingid sa kaalaman ninyo ni Don Mamerto, si Myrna ay nagkaroon ng maitim na
kabuhayan sa Maynila. Kung sino-sino ang nagmahal sa kaniya at nagmay-ari ng
kaniyang pag-ibig.”
“Sinungaling!”
ang agaw ng matandang ama. “Hindi totoo ang sinasabi mo, sapagkat hanggang
ngayon ay mahal mo pa ang babaeng iyong katipan na ayon sa pagkakatalos ay
PUTOK SA BUHO. Alam ko ang buong kabuhayan ni Corazon. Marami ang nagsabi sa
akin, na ang dalagang iyan ay anak sa ligaw, na hanggang ngayon ay hindi
makilala kung sino ang kaniyang ama.”
“Ngunit
siya ay mabait po,” ang agaw ng anak.
At
kasabay ng gayong matigas na pangungusap ay isang malakas na tampal ang dumapo
sa mukha ng binata.
“Sumulong
ka! Lumayas ka! Walang turing!”
Kung
hindi naagaw ni Lita ang rebolber sa kamay ng kaniyang asawa, marahil ay
napatay si Angelico.
Noon
di’y umalis si Angelico. Sinagasa niya ang kadiliman ng gabi. Naghintay siya ng
masasakyan upang magbalik sa Maynila. Sa kabutihang palad, isang trak ng mga
maggugulay ang nagdaan at siya ay nakisakay.
Pagdating
sa Maynila, si Angelico ay sumulat.
Ganito
ang kaniyang kalatas:
Mahal
Kong Ama,
Pagkatanggap ninyo ng sulat na
ito ay maari na ninyong ibalita kay Don Mamerto na hindi matutuloy ang kasal
naming ni Myrna. Tutungo ako sa bayan ni Corazon upang tumupad sa pangakong
siya ay ihaharap ko sa dambana. Kung PUTOK man sa BUHO ang babaeng yaon ay
hindi niya kasalanan, sapagkat nagkaroon siya ng isang amang walang puso.
Patawarin ninyo ako sa aking gagawin!
Angelico
Pagkatanggap
ni Luis ng sulat ng binata, ay nagbihis agad upang sundan si Angelico at
pigilin sa anumang paraan ang pakikipag-isang dibdib niya kay Corazon.
Parang
limbas na nilipad ni Luis ang Maynila at sa kaniyang ginawang pagtatanong ay
nalaman niya kung saang bayan hahanapin si Corazon.
Nag-aapoy
na mabuti and dibdib ni Luis. Galit nag alit siya.
Nang
dumating si Luis sa bayan ng Malibay ay ipinagtanong niya ang bahay ni Corazon,
at may nakapaghimatong naman.
Ilang
hakbang lamang ang nagagawa niya ay natanaw na niya agad ang dampang sinasabi
ng napagtanungan sa may labasan. Tiniyak niya sa kaniyang sarili na pagkakita
kay Angelico ay babarilin ito agad.
Ngunit
nang siya ay malapit na sa hagdanan ng maliit na dampang yaon, isang dalaga ang
nakita niya sa may pinto na tila siya ang sinasalubong.
Biglang
nagbago ang kulay ng mukha ng matandang Luis, nang Makita ang kariktang yaon.
Sandal niyang nalimot ang kaniyang galit.
“Dito
po ba nakatira si Aling Corazon?” ang tanong ng bagong dating.
“Ako
po ang hinahanap ninyo!” ang sagot ng dalaga.
Lalong
naibsan ng poot ang puso ng umuusig na matanda, nang marinig niya ang tamis na
tinig ng dalaga. Kay-lamig ng tinig na yaong tila himalang pumatay sa ningas ng
apoy na naglalagablab sa kaniyang dibdib.
“Tumuloy
kayo sa maliit naming dampa!” ang matamis na anyaya ng dalaga.
Si
Luis ay tila nagayumang naanhik sa tahanan.
“Tatay!”
ang sabi ni Angelico pagkakita sa ama.
“Sino
ang tao?” ang tanong ng ina ni Corazon na noon ay nakahiga sa papag at
ginagamot ni Angelico.
“Sila
po ang ama ko!” ang sagot ng binata.
“Mameng!”
Ang
tinig na yaon ay dati nang kilala ni Aling Mameng. Nang marinig niya ang tinig
na yaon ay nanumbalik sa kaniyang gunita ang mga araw ng kaniyang kabataan. O,
kay-tamis ng pangitain!
“Mameng!”
ang muling sabi ni Luis.
“Luis!
Luis!” ang lumuluhang sagot ng babae na nagbabatis na ang mga mata sa
masaganang luha.
At
sina Corazon at Angelico ay tila natubigan sa tagpong yaon ng dalawang puso.
Tila sila namalikmata sa kanilang mga nasaksihan.
At
malungkot na ipinagtapat ni Aling Mameng ang lahat.
“Tinangka
ko sanang dalawin ka sa pagamutan noong ikaw ay magkasakit,” ang simula ni
Aling Mameng. “Ngunit hindi ko nagawa sapagkat ako ay bigla ring nagkasakit.
Kinabukasan ay bigla na ring nawalan ng liwananag ang aking mga mata, kaya
ipinakiusap ko sa aking ina na ako ay iuwi na sa aming bayan. Nagintay ako sa
pagdating mo, ngunit ako ay nabigo… Oo, nabigo lamang ako!”
“At
si Corazon!” ang tanong ni Luis.
“Iyan
ang kaisa-isang bunga n gating pag-ibig. Siya ang laman ng aking tiyan nung
ako’y magkasakit.”
“Tatay!”
ang agaw ni Angelico, “diyata’t kapatid ko si Corazon?”
“Hindi!
Hindi, Angelico!” ang malungkot na sagot ng matanda. “Halika at isasalaysay ko
sa iyo ang isang lihim na hindi mo pa nalalaman.”
“…
at, nang umalis ang iyong ama,” ang patuloy pa ni Luis kay Angelico, “ay
ipinagkaloob ka sa amin at sinabing mahalin ka naming parang tunay na anak!”
Saka
lamang nakahinga nang maluwag si Angelico. Akala niya, ang babaeng kaniyang
kasintahan ay tunay niyang kapatid.
“Samakatwid,”
ang patuloy pa ni Angelico, “si Corazon ay tunay na ANAK NG ISANG BIRHEN!”
Matapos
na iluwas sa Maynila si Aling Mameng at maipasok sa pagamutan upang gamutin ang
mga mata, maligaya naming idinaos ang pag-iisang puso nina Corazon at Angelico
sa nayon ng Masantol.
Originally published
in the book 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista Aklat II
Wondеrful website. Lotѕ of helpful infο hеre.
ReplyDeleteӏ'm sending it to several pals ans additionally sharing in delicious. And naturally, thanks for your effort!
Here is my webpage - Saint. Mark's Basilica Venicе Italу